Saturday, October 3, 2009

FILIPINO I
PAGSUSULAT NG EDITORYAL
UNANG TRAYMESTRE
2008-09

A. Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw
1. Pasalita
2. Pasulat
3. Karikatura

B. Ano nga ba ang editoryal?
Ito ay isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari o isyu.

C. KAHALAGAHAN NG EDITORYAL
1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.

2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.

3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.

4. Impormasyon at kaalaman

5. kumilos ang kinauukulan

6. Pagmumulat ng mata

****Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago

D. Mga Uri ng Editoryal
1.) Namumuna.
Naglalahad ng kagalingan o kahinaan ng isang isyung tinatalakay ngunit kita pa rin kung sino ang kanino kampi o panig.

2) Paglalahad o nagpapabatid.
Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.3.) Pangangatwiran o naghihikayat Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago ngunit ang binibigyang diin ay makahikayat.

3.) Pangangatwiran o naghihikayat
Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago ngunit ang binibigyang diin ay makahikayat.

4.) Paglalarawan o nagbibigay puri.
Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.

5. Nagpapahayag ng natatanging araw.
Ipinaliliwanang ang kahalagahan ng isang natatanging okasyon sa bansa.

6. Panlibang.
Ang layunin ay makalibang, di pormal, masaya at maikli lamang

E. Paano maaaring simulan ang isang editorial?
1. pagkuha ng impormasyon sa isang nabasa o narinig na balita
2. anekdota
3. kasabihan
4. isang tanong
5. awtobiyografiya

F. Maaring maghanap at kumuha ng imporamasyon mula sa:
1. Pagbabasa ng diyaryo at pakikinig ng balita
2. Pasangguni sa mga aklat
3. Paghahanap sa internet at website
4. Mag-interview

G. Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw?

No comments:

Post a Comment